Archive for May, 2005

Educational Plans and Network Marketing

Monday, May 30th, 2005

Ang daming pa ring mga nag o-offer ng educational plans ngayon, kahit nagbabagsakan na ang karamihan. Buti na lang never ko kinonsider kumuha para sa mga anak ko.

Ang iniisip ko kasi, mahirap yung ganun, mas mabuti pa ipunin sa bank ang pera. Kasi nga hindi mo na kontrolado once na ibinigay mo yung pera mo sa kanila. At ganun na nga ang nangyari sa ibang mga plan holders.

Yung mga ibang nag o-offer nga sa akin sinasabi, nag me-member ako ng mga multi level marketing bakit hindi ako kumukuha ng mga plan plan na yan. Ako kasi, gusto ko may nakikita kaagad na pinupuntahan ng pera ko. The best so far na nasalihan ko ay First Quadrant. Oo, ngayon, halos patayin na ng politika ang FQ, pero nabawi ko na ang puhunan ko doon, hindi ako required mag recruit, katulad ng pinapalabas nila, para mabawi ang puhunan ko. I just joined as a consumer who wants to have 50% discount on their products, for life. Kung mayroong gustong sumali sa network ko, bonus na lang sa akin yun. Pero ang habol ko talaga e yung products. Magaganda ang shoes nila, at 50% off, lumalabas mas mura pa yung karamihan doon kaysa sa usual brand na nabibili ko sa department store, tapos sosyal pa ang mga tatak (Florsheim kids, Valentino, Margay etc.) hehe.

Anyway, back to the educational plans, buti na lang din at matigas ang ulo ko :) kundi kasama na ako sa mga namumroblema ngayon kung paano nila mababawi yung ipinundar nila. Yung iba nga napanood ko sa TV, kahit hindi lahat mabawi nila ok na rin sa kanila basta hindi lahat e mawala.

Ipon na lang tayo sa bank. Alam ko covered pa yun ng PDIC (tama ba?) Kung magsara man ang bank mo e pwede mo pa rin kuhain ang pera mo.

Oo nga pala, regarding FQ, buhay pa rin naman sila. :)

Time Out

Saturday, May 21st, 2005

Last thursday, we arranged to have a time out from our daily activities. To watch… what else… Starwars syempre! And of course I have time to write about it just now :).

George Lucas is a genius! Anyway.. nood na lang kayo and experience it yourselves :). Ang last na napanood ko ata before that e Episode 2 hehe. Ang hirap na talaga lumabas e. Ayaw kasi namin kumuha ng yaya kaya ganun. Buti na lang yung isang sister ko e pwedeng mag arrange ng day off niya. Kaya lang hindi sya ang sister ko na magaling mag alaga. Buti na lang din wala pang trabaho yung isang ka ga-graduate lang. Saka ang tatay ko syempre, narito. Kahit marami sila, hirap na hirap pa rin sila, specially when Natalie did her thing… you know… poop, not once, but twice.

Anyway, it was a much needed time out for me, and my love of course. Just us, no kids in between. Romance is in the air woohoo! Parang mag boyfriend/girlfriend ;)

Another plus, that time away from me helped Natalie nurse on a bottle more.

Dito muna… nangungulit na ang prinsesa.

School

Tuesday, May 17th, 2005

Naburo na pala itong post na ito. Tagal na naka tag as draft hehe. Naalala ko lang nung nabasa ko post ni Jette :). Anyway, ito na…

We have decided not to enroll Karl this school year. Parang napaka pukpukan na kasi sa pre school. Last year nag enroll siya, kasi bored na siya dito sa bahay, kung anu-ano na ang ginagawa niya, lahat ng pwedeng akyatin, aakyatin. Kaya we decided to enroll him, late na nga yun, buti tinanggap pa siya, October na namin siya pinasok. Doon na siya nag 3rd birthday. Pero ngayon naman, medyo malaki na si Natalie, pwede na silang mag laro…at mag-away din.

Before mag school siya marami na rin siyang alam. Pero everything he know, he learned in his own pace. Sa school syempre may time table silang sinusundan, which I think is too much. Dapat play school e, kaso wala ditong malapit, pero nung nag observe ako dun sa pinag pasukan namin kay Karl, nagkataon na naglalaro lang sila kaya naenroll si kuya. Tapos nung naka enroll na, ayun dun na namin nalaman kung gaano ka advanced dun.

For example, if I remember correctly, grade 1 na kami naturuan ng mga sets, empty sets, greater than at less than. Tinuro na kina Karl, sa pre-nursery. Mas matindi pa, meron pa silang pattern recognition! Gosh! Tapos nung first time na hindi siya nagkaroon ng star, umuwi ng umiiyak ang bata, nagiging sobrang competitive. Kaya, stop muna sya, tutal naman meron na nga siyang kalaro.

Ok, medyo kumpleto na ang kwento. :)

Nightmares

Saturday, May 14th, 2005

Last night was the second time that I had this "nightmare". May naiwan daw akong subjects nung college, hindi ko kasi pinapasukan kaya nakalimutan ko na enrolled pala ako doon. Bago mag graduation nalaman ko babagsak ako. First, the subject was NatSci2, last night it was one of the Math 50 series, di ko na matandaan kung ano. Grabe nakaka kilabot. :)

Hello World!

Friday, May 13th, 2005

Haha, I miss programming! Eto ako ngayon, nag p-program ng buhay ng mga bata. Sana lang I can read God’s clues clearly, about how to raise them well I mean. Buti pa nga sa computer, relatively mas madaling makita ang bugs at mas madaling i-correct. Tama nga ang sabi nila, mahirap magpalaki ng bata. Every person is unique talaga, so hindi ko alam kung sobra na ba ako sa pag disiplina o baka naman na i-spoil ko na one or both of them.

Pero kahit anong hirap, kita mo rin naman agad ang rewards, ito ang sample sa ibaba. Tingnan nyo na lang album ko. :)

Dito muna. Next time na lang ulit.  P022