Archive for July, 2005

Harry Potter 6

Monday, July 25th, 2005

Spoiler warning! Ayan ha? Read at your own risk.

Medyo matagal din ako di nakapagpost dito. Anyway… finished reading Harry Potter and the Half Blood Prince. Eto mga comments and guesses ko.

Bitin!!! Sana man lang na reveal kung sino yung R.A.B. Sabi sa mga nabasa ko malamang daw si Regulus Black, kapatid ni Sirius. Anyway, patay na yun e, although sabi niya sa letter malamang patay na siya by the time na na discover yung ginawa niya, tingin ko hindi pa patay yung R.A.B na yun kasi para maturuan si Harry kung paano niya nakuha yung horcrux. Kasi clueless pa rin si Harry kung paano ginawa ni lolo Dumby yung pag trace sa mga horcrux na yun. Tapos sumama siya, nanood lang siya at takang taka pa rin siya.

May isa pang unknown horcrux. Harry himself may be one, pwedeng hindi sinasadya ni Voldemort nailagay niya kay Harry yung 1/7 ng  soul niya. Although sabi ni lolo hindi daw advisable kasi may sariling isip kapag living thing, pero posible pa rin, kaya nga suspect si Nagini e.

Pwedeng may blessing ni lolo ang ginawa ni Snape sa kanya. Pwedeng hindi pa siya totoong patay. Wala lang, di ko lang ma take na naisahan siya ni Snape hehe.

Bitin pa rin talaga ako. Asar! Another 2 years pa…

Confusing Times

Monday, July 4th, 2005

Nakalilito na ang nangyayari dito sa aming bansa. Ang pag amin ng pangulo na siya ay nagkamali sa ginawa niyang pakikipag usap sa isang comelec official ay talagang napapaisip ako. Ito ang mga pumapasok sa isip ko.

1. Umamin na nga ang pangulo tungkol sa pakikipag usap niya sa opisyal. Kung nagkaroon nga ng dayaan, hindi pa iyon napapatunayan. Kahit na gaano ka "incriminating" ng mga pinaguusapan nila, kailangan pa rin patunayan iyon. (Syempre hindi siya aamin na nandaya siya no?)

2. Masuwerte pa rin ang pangulo dahil patay na ang kanyang kalaban, kung buhay pa si FPJ, siguradong hindi papayag ang mga bumoto dito na siya ay magpatuloy pa sa kanyang pagiging pangulo. Syempre kung kandidato ko rin ang nakalapit sa kanya, hindi din ako papayag no.

3. Kung mapatunayan na nagkaroon na nga ng dayaan. Ano na? Sino ang papalit? Kung legalidad ang pag uusapan, si Noli… Sa akin lang, hwag na lang. May nagtanong nga minsan, bakit ba ayaw ninyo kay Noli, ano ba ang nagawa niya para sabihing hindi siya karapat dapat? Yun din mismo ang tanong ko… Ano nga ba ang nagawa niya… Pagkakaalam ko… wala.

4. Kung dadaanin naman sa snap elections, sino kaya ang posibleng manalo? Si Ping? Hwag na lang din, takot ako sa kanya, hindi ko alam, basta takot ako sa kanya.

5. Sa kasalukuyang mga sitwasyon, parang si GMA pa rin ang nasa magandang katayuan para ituloy ang kanyang mga programa. Pero, ganun na lang ba yun? Kung ganun na lang, lahat na lang pwede daanin sa sorry. Kung tayo nga kahit na emergency na hindi pwede ang sorry lang kapag lumabag tayo sa number coding e. Kung sabagay… balik ulit sa unang argumento… hindi pa napapatunayan na nagkasala siya.

Haay nakakalito… Pero sa ngayon isa lang ang masasabi ko. @#%$ naman, hwag nyo na ipatupad yang e-vat na yan! (layo ng hirit! nyehehe)

Repost: School

Saturday, July 2nd, 2005

Naburo na pala itong post na ito. Tagal na naka tag as draft hehe. Naalala ko lang nung nabasa ko post ni Jette :). Anyway, ito na…

We have decided not to enroll Karl this school year. Parang napaka pukpukan na kasi sa pre school. Last year nag enroll siya, kasi bored na siya dito sa bahay, kung anu-ano na ang ginagawa niya, lahat ng pwedeng akyatin, aakyatin. Kaya we decided to enroll him, late na nga yun, buti tinanggap pa siya, October na namin siya pinasok. Doon na siya nag 3rd birthday. Pero ngayon naman, medyo malaki na si Natalie, pwede na silang mag laro…at mag-away din.

Before mag school siya marami na rin siyang alam. Pero everything he know, he learned in his own pace. Sa school syempre may time table silang sinusundan, which I think is too much. Dapat play school e, kaso wala ditong malapit, pero nung nag observe ako dun sa pinag pasukan namin kay Karl, nagkataon na naglalaro lang sila kaya naenroll si kuya. Tapos nung naka enroll na, ayun dun na namin nalaman kung gaano ka advanced dun.

For example, if I remember correctly, grade 1 na kami naturuan ng mga sets, empty sets, greater than at less than. Tinuro na kina Karl, sa pre-nursery. Mas matindi pa, meron pa silang pattern recognition! Gosh! Tapos nung first time na hindi siya nagkaroon ng star, umuwi ng umiiyak ang bata, nagiging sobrang competitive. Kaya, stop muna sya, tutal naman meron na nga siyang kalaro.

Ok, medyo kumpleto na ang kwento. :)