Pumunta kami sa binyag ng anak ng isang kaibigan. Naiintindihan ko kung bakit yung iba ay hindi na nakakapunta sa mismong binyag, kasi binyagang masa iyon, napaka raming tao, pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ang iba ay hindi na nga nakapunta sa talagang okasyon, sa kainan na lang pupunta, late pa? Ang nakakainis pa doon, kapag na late ka, lalo kang ma le-late dahil ang reception ay sa isang malaking establisimyento ngunit wala namang parking space (Max’s Ma. Orosa, Manila). Yung function room na na rentahan nila ay 200 ang kayang laman, mayroon pang ibang function rooms doon, tapos ang garahe ng Max’s ay 6 lang ang pwedeng pumarada. Yung iba sa kalsada na paparada, may bayad pang P20.
Pagkatapos ng binyagan, pumunta kami sa isang kamag anak, doon nagpalipas ng oras, doon na rin naki simba. Pagkatapos magsimba, dumiretso na kami maghapunan, sa Shakey’s sa SM Centerpoint ( SM City Sta. Mesa). Haay, since walaw naman talaga masyadong choices doon sa Centerpoint, malapit lang kasi sa pinuntahan namin, more or less kailangan na pagtyagaan ang Shakey’s na iyon. Pagdating pa lang, ang tagal magbigay ng menu. Paano laging naka talikod sa mga customers ang mga empleyado, ewan ko, nagpupunas ata ng mga pinggan at kutsara, yung iba naman ay nagaasikaso ng ibang customer. Tapos 3 beses kami humingi ng high chair para sa bata, lahat ng hiningian namin nag ko-commit, pero walang high chair na dumadating, dun lang sa pang huli. Nagkamali pa kami, nag order pa kami ng bottomless na inumin, lagi ngang naka talikod kaya isang refill lang ng drinks namin. Tapos hanggang sa huli talaga namang nakaka inis. Sa sobrang bagal nila, nainip na ang 2 bata. Nagwawala na, gusto na lumabas, normally tag isa kami ng alagang bata, pero since hindi pa nakakabayad, kailangan yung isa parehong bata ang aalagaan habang naghihintay maka settle ng account yung isa. Ang hirap kaya nun! 2 nagwawalang mga bata, magkaiba ng gustong gawin? Tapos nagkasundo nga sila, nagkasundong gusto nilang maglaro sa escalator. Anobah! Syempre ipinasok ko ulit sa loob, kaysa naman maaksidente pa kaming tatlo. Hayun, lalong nagwala, ito namang Shakey’s na itio, ang tagal na namin nahingi yung bill, hindi ko alam kung anong ginagawa nila at parang napaka tagal naman. Nilapitan ko na yung cashier, yun pala may problema sa creditcard machine, kaya naman naisipan niyang unahin na lang muna lahat ng nagbayad ng cash. E sana man lang sinabihan kami na nagkakaproblema sa machine, baka mas mabilis pa kung nag wodraw na lang kami sa labas. Pero hwag ka… sabi lang nila na may problema sa machine, kasi nung lumapit ako doon, isang swipe lang lumabas na ang resibo, ibig sabihin hindi talaga naasikaso. Sinabihan ko nga sila e sabi ko sana naman binilisan nila e nagwawala na nga ang mga bata. E talaga namang napaka bagal, paano nagkukwentuhan pa habang nagt-trabaho. Sana hwag na lang sila magtrabaho, baka may mas masipag pa sana na maka pasok at magsilbi doon. Sana tumambay na lang sila at makipag kwentuhan ng makipag kwentuhan. Ewan ko, hindi lang naman sila ang mga nakikita kong nakikipag kwentuhan habang nasa trabaho, pero yung iba naman ay hindi apektado ang kilos habang busy ang bibig kaka daldal.
Haay. Such is life…