Nakakainis na Balita

Hindi ko na iinglisin itong blog ko, nakakahiya kasi baka matyempuhan pang mabasa ng iba. Nabubuwisit lang ako kasi nag shortcut na naman ang gobyerno natin. Kapalit ng pag tanggap ng Japan ng mga nurses at caregivers natin, sumangayon ang pamahalaan na itapon dito ng Japan ang mga basura nila.

Napanood ko sa isang dokyumentaryo kung gaano kaganda ang recycling at biodegradable waste management ng Japan, kaya siguradon ang mga itatapon nila dito ay yung talagang hindi na magagamit, biohazard, at toxic. Ipinakita nga sa balita na may nasabat nang kung ilang container vans ng basura galing sa Japan, mga iniksyon na gamit na, mga lampin at kung anu-ano pa.

Malamang marami nang nakalulusot na mga ganitong basura noon pa man, pero ibang usapan na kapag legal na ito, siguradong dagsa iyon dito. Nako naman!

Leave a Reply